Read your way to the discovery of my development as I make my way through life, sometimes with a gloomy state but more often, with gleeful sentiments.
Wednesday, July 27, 2011
Hindi na siya nangahas pagkat ramdam na niya ang pagod, nanunuot sa bawat sulok ng kaniyang pagkatao. Sa utak: ang araw-araw na pamomroblema kung saan na siya papunta at ano'ng direksyon ang tatahakin. Sa binti: ang halos paga na niyang mga litid na tinabihan pa ng mga peklat na mula sa pambubugbog ng isang lipunang hindi niya inakalang pagtatraydoran siya nang ganito. Sa puso: ang pagmamahal na hindi na nasuklian, abonado pa. Ibinigay na ang lahat, kulang pa hanggang sa maiwan ka na lang sa kantong naghihikahos at mukhang tanga. Hindi na siya babangon. Magpapahinga na lang ako. Hindi ko na kaya. At siya'y humiga sa isang kalye sa Ermita, isang kalyeng naging saksi sa iba't ibang talampakan. Binalot na ng kadiliman ang kalangitan subalit ang paligid ay sadyang may kaliwanagan. Mainit subalit dahil sa kaniyang manipis na kasuotan at sa ihip ng hanging parang nangaasar at sa kaniya pa tumapat, nanginginig na siya. Ang mga butol sa kaniyang buto-butong braso at binti ay maliliit na ebidensiya lamang ng kung ano ang nangyayari sa loob. Isang yelo sa kaniyang katauhan. Isang kalamigan-kawalan ng init, ng pansin, ng pagpapahalaga ng isang lipunang kaniyang minahal nang walang panggigiit. Ngunit siya ay pinagkaitan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment