Kaya naman tayo ay napapagiwanan eh.
Ngayon, ako ay gagamit ng ating wikang minana pa sa ating mga ninuno upang mas maayos na maipahayag ang aking nararamdaman.
Sa kasalukuyan ay naghahanda kami para sa Speech Choir at syempre, ako ang leader dahil kung hindi ka pa magkukusa ay wala namang mangyayari.
Naandito ang mga dahilan kung bakit tayo napapagiwanan, hindi lamang sa paaralan kundi sumasaklaw ang mga ito sa kasuluk-sulukan na may taong nakatira.
**Ginagawa nating kumplikado ang mga simpleng bagay.
Halimbawa na rito ang pagkanta sa tuwing ang ating bandila ay itinataas. Kung tumatayo na lamang tayo nang maayos at kumakanta ng walang bahid ng kaartehan, TAPOS! Wala atyong problema, hindi tayo mapapaulit at hindi tayo mabibilad sa araw.
**Madaming magandang batas subalit hindi naisasagawa nang ayos
Oo, maraming batas, maraming magandang batas. Subalit, hindi naman ito nasusunod nang maayos. Bakit? Dalawa lang naman ang nakaapekto niyan eh-ang mga taong susunod sa batas at mga taong nagbabantay ng batas. Kapag ang isa ay pumalya, kahit pa anong ganda niyan, itsepwera lang yan. Wala din.
**Hindi tayo maalam makinig.
Nilikha tayo ng Diyos nang may tenga upang makarinig. Ang tenga ay mas mataas ang pwesto kaysa sa bibig na maaaring nangangahulugan na ang pakikinig ay mas mayroong kapasidad na makatulong kesa sa puro salita. Hindi ko naman sinasabi na masama magsalita. Ang sa akin lang, gaya ng lahat ng bagay, may tamang oras para sa pagsasalita at tamang oras ng pakikinig.
**Mareklamo tayo
Ang hindi lang kasi maitatak sa utak ng mga kaklase ko habang sila ay tinuturuan ng Speech Choir ay ang katotohanan na pare-pareho kaming pagod. Pare-pareho lamang kaming nahihirapan. At nasa sa amin din yon kung hahayaan naming madala kami ng pagod o ng aming determinasyon na manalo(o kahit huwag lamang mapahiya).
At isa pa, minsan may mga taong nagrereklamo sa isinasagawa natin subalit wala naman silang maimungkahi na iba pang gawin.
Sana ay hindi kayo inantok dito sa aking munting latlahain.
Hanggang sa susunod,
Aldrin
No comments:
Post a Comment